FEAST OF THE HOLY FAMILY (CYCLE A)

THEME: "ONE FATHER, ONE FAMILY"

     Christmas reminds us that our Savior must be born to a family. The completeness of the Holy Family is a perfect example of love and unity.

     God has been calling us to strengthen our family by founding it on solid Christian ground. Parents should love and mold their children according to right values. Children have to honor and care for their parents. St. Paul encourages us to be kind, humble, patient, forgiving and loving in order for us to develop strong bonds with one another

     The Holy Family went through challenges when Jesus' life was threatened during the reign of King Herod. Present-day families are also faced with many un-Christian distortions. There are other Herods that try to break families: poverty, abuse, drugs, absentee parents, materialism, adversary laws on family union and the influence of media on the values of parents and children.

     In a deeper Christian sense, we all belong to one family and we have to extend the same love and respect to our brethren in our God the Father.

     Today is the Feast of the Holy Family. As one family in Christ, we are challenged to protect our family from the forces that weaken it.

FIRST READING (SIRACH 3: 2-7, 12-14)

     Sirach teaches us the way to live a family life that is pleasing to God. Families have to be bound by love of parents and by the respect that the children should accord their parents through their old age.

SECOND READING (COLOSSIANS 3: 12-17)

     St. Paul reminds us that strong faith in God is shown through kindness, forbearance and forgiveness. We are encouraged to put on Christ in all the things that we do and we should always be thankful to Him, our Father.

GOSPEL (MATTHEW 2: 13-15a, 16a)

     In avoiding threats, Joseph and Mary with Jesus, have to move places. All of these have been prophesied. The Holy Family lived through Joseph and Mary who cooperated to become instruments of God's plan.

Christmas Season Menu Home


KAPISTAHAN NG BANAL NA MAG-ANAK (SIKLO A)

TEMA: "ISANG AMA, ISANG MAG-ANAK"

     Ang Pasko ay pagpapaalaala sa atin na ang ating Tagapagligtas ay isisilang sa pamamagitan ng isang mag-anak. Ang Banal na Mag-anak ang tunay na halimbawa ng pagmamahalan at pagkakaisa.

     Ang Panginoon ay palaging tumatawag na patibayin natin ang ating mag-anak sa pamamagitan ng buhay na Kristiyano. Pagmamahal at paghubog ng mga magulang sa mga anak ang dapat na nangingibabaw. Ang mga anak ay dapat gumalang sa kanilang mga magulang na dapat ring kinakalinga hanggang sa kanilang pagtanda. Ito ang sinabi ni San Pablo sa mga taga Coloso: na tayo'y maging mabuti, mapagkumbaba, mapagpatawad at mapagmahal upang tayo ay mabigkis ng pagkakaisa.

     Ang Banal na Mag-anak ay nagkaroon ng mga pagsubok lalo na noong panahon ng Haring Herod. Katulad rin ng mga mag-anak ngayon, maraming bagay ang sumisira dito: ang kahirapan, pang-aabuso, droga, kawalan ng mga magulang na kakalinga sa kanilang mga anak, materialismo, mga batas na salungat sa pag-iisa ng mga magulang at ang media na nag-iimpluwensiya sa kaisipan ng mga magulang at kabataan.

     Sa mata ng Panginoon, tayong lahat ay isang mag-anak dahil siya'y ang tangi nating Amang Diyos. Samakatuwid, ang pagmamahal at paggalang ay dapat din nating ipinagkakaloob sa lahat ng ating kapwa at kapatiran sa Kanya.

     Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Banal na Mag-anak. Bilang isang mag-anak kay Kristo, tayo ay hinahamon na itaguyod ang pagmamahalan at kapayapaan sa pamayanang Kristiyano.

UNANG PAGBASA (SIRAK 3: 2-7, 12-14)

     Inihayag ni Sirak ang pamamaraan upang magkaroon tayo ng mag-anak na nabubuhay nang kaaya-aya sa paningin ng Diyos. Pagmamahal ng mga magulang ang dapat nanaig sa isang mag-anak na ang mga anak ay marunong gumalang sa kanilang ama't ina hanggang sa kanilang pagtanda.

IKALAWANG PAGBASA (COLOSAS 3: 12-17)

     Ipinaaalaala ni San Pablo na ang matibay na pananampalataya ay nakikita sa pamamagitan ng pagmamahal at pagpapatawad. Tayo'y hinihikayat na isabuhay natin si Kristo at tayo'y palaging magpasalamat sa Kanyang kabutihan bilang ating Diyos at Ama.

EBANGHELIO (MATEO 2: 13-15a, 16a)

     Kinailangang si Jose at Maria, kasama si Hesus, na maglagalag upang makaiwas sa banta sa kanila noong panahong namumuno si Haring Herodes. Bagamat ito'y nasasaad na sa kasulatan, ang lahat ng ito'y naganap sa pamamagitan ni Jose at Maria.

Christmas Season Menu Home


EPIPHANY OF THE LORD (CYCLE A)

THEME: "LIKE CHRIST, WE, TOO, ARE THE LIGHT OF THE WORLD"

     Today we celebrate the Solemnity of the Epiphany of the Lord. Epiphany celebrates the manifestation of Christ to the Gentiles, to the whole world. In our country, this feast is more popularly known as the "Three Kings" because the manifestation is highlighted by the visit of the magi to the newborn King, Jesus. This shows that God's gift of love, the gift of salvation, is offered and given to all, not just to His chosen people.

     The magi represent us, we who have been graced to be encompassed in God's loving plan of salvation. In their search for the newborn King, they took a long and dangerous journey to a strange land but were guided by a shining star. We, too, have to undertake the same journey in accepting God's gift of faith. We are called to dedicate our lives to a life of faith wherein we are encouraged to be light of the world, whose light must shine before our brothers and sisters. In other words, we are challenged to receive God's supreme gift and become, in turn, gifts to others, not only on Christmas and Epiphany but everday of our lives.

FIRST READING (ISAIAH 60: 1-6)

     The First Reading tells us the glory of Jerusalem. Israel will be known to give light to all nations because she is blessed by God. This light shines not just over Galilee but over the world.

SECOND READING (EPHESIANS 3: 2-3a, 5, 6)

     The Apostle Paul declares God's promise of salvation through Christ. He revealed to him His loving plan through the Gospel wherein the Gentiles, like the Jews, will share in His gift of salvation.

GOSPEL (MATTHEW 2: 1-12)

     Today's Gospel proclaims that the birth of Jesus is manifested even to the pagans as represented by the magi who had gone a long way searching for the newborn King. They were guided by a shining star. They paid homage as they adored the child Jesus.

Christmas Season Menu Home


FEAST OF THE STO. NINO (CYCLE A)

THEME: "A CHILD'S GREATNESS COMES FROM GOD"

     Today is the Feast of the Santo Nino, a feast unique to Filipino Catholics. Our Readings today highlight the child as a sign of good times and the greatest in the Kingdom of God. In the First Reading, Isaiah pictures the child as a sign of wisdom, peace and light over darkness. In the Second Reading, Paul proclaims us sons and daughters of God, created by His Word and saved through Jesus, the Word made flesh.

     The Gospel exhorts us to be like the lowly, helpless and dependent child whose greatness emanates from the Father. As children of God, we were created in His image, in the greatness of our soul and spirit. Let us aspire for greatness in our daily life, not by the standards of the world but in the eyes of our Heavenly Father.

FIRST READING (ISAIAH 9: 1-6)

     The First Reading tells of the coming of a child who will bring unity and peace, joy and freedom and who will be a sign of wisdom and bravery.

SECOND READING (EPHESIANS 1: 3-6, 15-18)

     Paul's letter to the community in Ephesus highlights the truth that it is through Christ that we have been blessed to become adopted children of the Father, and upon whom our dignity and greatness rest.

GOSPEL (MATTHEW 18: 1-5, 10)

     Jesus sets aside a child as a sign of greatness. The great ones are those who are weak and have nothing, who find joy and greatness only in the Lord, who is the only source of greatness.

Christmas Season Menu Home


KAPISTAHAN NG STO. NINO (SIKLO A)

TEMA: "ANG KADAKILAAN NG BATA'Y NANGGAGALING SA DIYOS'

     Ipinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ng Sto. Nino, isang kapistahang natatangi sa ating mga Pilipinong Katoliko. Binibigyan-pansin ng ating mga Pagbasa ang bata bilang tanda ng mabuting panahon at bilang pinakadakila sa kaharian ng Diyos. Sa Unang Pagbasa, inilalarawan ni Isaias ang bata na siyang tanda ng karunungan, kapayapaan at liwanag sa kadiliman. Sa Ikalawang Pagbasa, itinanghal tayo ni San Pablo na mga anak ng Diyos na nilikha ng Kanyang Salita at tinubos ni Hesus, ang Salitang nagkatawang-tao.

     Tinatawagan tayo sa Ebanghelio na maging tulad ng isang bata - mababa, walang kapangyarihan at walang kakayanan, na kung saan ang kadakilaan niya ay nanggagaling sa Diyos, kanyang Ama. Bilang mga anak ng Diyos, tayo ay nilikhang kawangis Niya, sa kadakilaan ng ating kaluluwa at espiritu. Nawa'y hangarin natin araw-araw ang kadakilaan na di naaayon sa paningin ng mundo kundi sa paningin ng ating Ama sa langit.

UNANG PAGBASA (ISAIAS 9: 1-6)

     Ang Unang Pagbasa'y nagpapahiwatig ng pagdating ng isang sanggol na magdadala ng pagkakaisa at kapayapaan, kagalakan at kalayaan at siya'y magiging tanda ng karunungan at katapangan.

IKALAWANG PAGBASA (EFESO 1: 3-6, 15-18)

     Sa sulat ni San Pablo sa komunidad ng Efeso ay isinasaad ang katotohanan na dahil kay Hesus, tayo'y pinagpalang maging anak ng Diyos, na siyang dahilan ng ating kadakilaan.

EBANGHELIO (MATEO 18: 1-5, 10)

     Para kay Hesus, ang bata ang simbolo ng kadakilaan. Ang mga mahihina at ang walang maipagmamalaki ang siyang dakila dahil natatagpuan nila ang kanilang kagalakan sa Panginoon, na siyang natatanging pinanggagalingan ng kadakilaan.

Christmas Season Menu Home


SOLEMNITY OF MARY, MOTHER OF GOD (CYCLE B)

THEME: "MARY,TOO, WILL WALK WITH US"

     As we begin the New Year, the New Century, the New Millennium, we are filled with gladness. We welcome Mary and join her in receiving Jesus Christ with joy as He brings us lasting peace in this world. Through Mary, we pray for brighter days for this year and beyond.

     We think of our future. The Lord will walk with us. Mary, too, will walk with us no matter what happens. Like our own Mother, she will accompany us in all our steps.

FIRST READING (NUMBERS 6: 22-27)

     The Lord sent Moses to tell Aaron to bless the Israelites. The blessing contained in today's Reading is one of the most beautiful blessings. May He shower us with abundant blessings and graces the whole year round.

SECOND READING (GALATIANS 4: 4-7)

     God loves us very much. To prove this, he gave His only son, Jesus Christ, through Mary. We thank Him for making us His sons and daughters in Jesus Christ and heirs to His Kingdom.

GOSPEL (LUKE 2: 16-21)

     In today's Gospel, the shepherds saw Jesus who was born in the manger. They glorified and praised Him. Mary treasured in her heart all the wonders she heard about Jesus.

Christmas Season Menu Home


ANG KADAKILAAN NI MARIA, INA NG DIYOS (SIKLO B)

TEMA: "SI MARIA AY KASAMA SA ATING PAGLALAKAD"

     Sa ating pagsisimula ng Bagong Taon, Bagong Siglo, Bagong Milenyo, tayo ay puno ng kaligayahan sa pagsalubong kay Maria at pagsama sa kanya sa pagtanggap nang buong kasiyahan kay Hesukristo, na may hatid ng walang hanggang kapayapaan sa mundo. At sa pamamagitan ni Maria, tayo ay manalangin para sa maluningning na araw para sa taong ito at sa ibayong panahon.

     Tayong lahat ay nag-iisip ng ating kinabukasan. Ang Panginoon, gayundin si Maria, ay makakasama natin sa paglalakad, anuman ang mangyari. Tulad ng ating ina, sasamahan tayo ni Maria sa lahat ng ating hakbangin.

UNANG PAGBASA (BILANG 6: 22-27)

     Isinugo ng Diyos si Moises upang ipabatid kay Aaron na basbasan ang mga Israelitas. Ang mga biyayang nakapaloob sa Pagbasa ngayon ay isa sa mga pinakamagandang biyaya. Nawa'y pagkalooban Niya tayo ng masaganang biyaya at grasya sa buong taon.

IKALAWANG PAGBASA (GALACIA 4: 4-7)

     Lubos tayong minamahal ng Diyos. Sa pagpapatunay nito ay ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak na si Hesukristo sa pamamagitan ni Maria. Tayo ay nagpapasalamat sa Kanya sa ating pagiging mga anak ni Hesukristo at tagapagmana ng Kanyang Kaharian.

EBANGHELIO (LUCAS 2: 16-21)

     Sa ating Ebanghelyo ngayon, nakita ng mga pastol si Hesus nang isilang sa isang sabsaban. Pinuri at sinamba Siya ng lahat. Pinahalagahan ni Maria sa kanyang puso ang lahat ng himalang kanyang narinig tungkol kay Hesus.

Christmas Season Menu Home


EPIPHANY OF THE LORD (CYCLE B)

THEME: "A STAR IS BORN AND REVEALED TO ALL NATIONS"

     We still behold the merry display of lights and Christmas lanterns around us--hanging from our homes and displayed in the streets and big buildings throughout the metropolis and the countryside. We put them up because their beautiful colors bedazzle and their sparkle contributes to the joyful mood of the Christmas season. There is but one source of all this starlight attraction. The multitude of lights in all their splendor are just a symbol of the One Star that chose to be born in our midst. Those of us who experience the depth of our longing for light and hope wonder if the modern world has, in fact, forgotten that we have been given Jesus Christ to focus on and look up to as the only true Light of our life. Yet, it is also heartwarming to notice how even non-Christians and people of different origins and persuasions have chosen to embellish their homes and buildings with festive lights, as if to join us in this expression of faith: that the star of new hope and a more meaningful life is the human cause for celebration. After all, God's truth is His divine will that His Only Son be given not just to the Jews, or to Filipino Christians, or even just to the pious Sunday churchgoers. Jesus Christ, who was born and announced by the star that the pagan Kings saw on the first Christmas, is the same now and forever. He is King of all and for all of God's creation.

     May we be reminded by today's celebration of the Lord's Epiphany not to be deluded by the star of our own accomplishments and successes in this world, nor by the human idols we choose to love--those who seem to give us cause to smile and spend our days with ecstasy. Today, we are called to always be conscious that Jesus Christ is the One True Star shining on us everyday of our lives. He points to us - as one community, one Church - the way to the home of the Father.

FIRST READING (ISAIAH 60: 1-6)

     Like Jerusalem being blessed from its long exile with the promise of light and glory among nations, we, in the new Church, are being exhorted by Isaiah to arise, rejoice and welcome the coming of Jesus Christ, Light of our salvation, the Lord of all nations.

SECOND READING (EPHESIANS 3: 2-3, 5-6)

     Through God's grace, the Church declares her universality and the Father's loving kindness to all of His children. Paul reminds that our very act of proclaiming the gospel of hope to everyone without distinction enables us to fulfill the divine will: that we, too, desire the salvation of all and willingly share our divine inheritance of the Kingdom of God, through the coming of our Lord Jesus Christ.

GOSPEL (MATTHEW 2: 1-12)

     It was common for both Jews and Gentiles to interpret the appearance of a new star as announcing the birth of a ruler. Matthew's Magi were astrologers whom God favored with the first manifestation of Jesus Christ as the Light of all nations. In today's Gospel, the future rejection of the Messiah by Israel and her leaders is contrasted to the fitting homage and acceptance of the new King by the pagan world.

Christmas Season Menu Home


EPIFANIA NG PANGINOON (SIKLO B)

TEMA: "NAGPAMALAS NA ANG BITUIN NG HARI NG SANLIBUTAN"

     Maraming maniningning na ilaw pa rin tayong namamasdan sa ating kapaligiran. Iba't ibang kulay at laki ng mga parol at Christmas lights ang nakapalamuti sa mga kabahayan, mga kalye at malalaking gusali. Nakakaakit, nakakaaliw at nakakapagbigay-liwanag at sigla, ngunit iisa ang simula at inspirasyon ng paggamit natin ng mga palamuting ito. Gaano man sila karami at karikit ay tanda lamang silang lahat ng nag-iisang maningning na bituin--ang liwanag ng dumating na Mesiyas at Bagong Hari na unti-unti yatang nakakalimutan na ng makabagong mundo. Ngunit nakatutuwa ring mapansin na kahit ang mga hindi Kristiyano o Katoliko, kahit na ang mga banyaga ay nagsisipagsabit ng mga ilaw upang makigalak sa bayang uhaw sa pag-asa at kaligayahang hindi mabibili ng anumang mamahaling regalo. Nararapat lamang, sapagkat si Hesus ay hindi lamang para sa mga Hudyo, hindi lamang para sa mga Katolikong Pilipino, hindi lamang para sa mga banal at nakikipagmisa tuwing Linggo. Ang Mesiyas ay Hari para sa buong sangkatauhan. Ito ang kalooban ng Diyos Ama na pinatotohanan sa pagpapakita ng bituin ni Hesus sa tatlong paganong Mago--sila na hindi mga Israelitang matagal nang nag-abang sa ipinangakong Mananakop.

     Pinapaalala sa ating lahat ng araw na ito na muling tumingala sa nag-iisang maningning na bituing alay sa atin ng mapagpalang Diyos. Hindi ito ang ating mga nakamit na tagumpay, mga naganap na kahanga-hangang kilos at bagay sa mundo. Hindi ito ang kahit na sinong taong minamahal natin o anumang bagay na nagpapangiti at nagbibigay-inspirasyon sa ating mga araw. Ang bituin noon, ngayon at magpakailanman ay ang tunay na Liwanag ng ating buhay. Manatili sana tayong puno ng pag-asa, kapayapaan at galak sa biyaya ng kaligtasan para sa atin bilang isang bayan, isang Simbahan ni Kristo. Ang bituin ng Panginoon ay nagpapamalas sa atin tuwina upang ituro at ilawan ang daan tungo sa kinaluluklukan ng ating Diyos Ama.

UNANG PAGBASA (ISAIAS 60: 1-6)

     Gaya ng Herusalem na pinangakuang mangunguna sa kapurihan sa mundo matapos na mahiwalay nang pansamantala sa Diyos, tayo sa Bagong Simbahan ay pinasisigla ni Propeta Isaias sa sarili nating pagsalubong sa Liwanag na dala ng Mananakop ng sangkatauhan - si Hesukristong ating Panginoon.

IKALAWANG PAGBASA (EPESO 3: 2-3, 5-6)

     Ipinahahayag ng Simbahan ang kanyang pagyakap sa buong mundo at ang kagandahang-loob ng Diyos Ama sa lahat ng Kanyang mga anak. Ipinaaalala ni Pablo na sa ating ginagawang pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa sinumang makikinig dito ay nagaganap ang kalooban ng Ama. Nais ng Diyos na tayo rin ay maghangad na maligtas ang buong sangkatauhan upang walang hindi makabahagi sa ipinamamanang Kaharian sa langit sa pamamagitan ni Hesukristong ating Panginoon.

EBANGHELIO (MATEO 2: 1-12)

     Naging karaniwan na kapwa sa mga Hudyo at pagano na kilalanin ang pagsipot ng isang bagong bituin bilang hudyat ng kapanganakan ng isang bagong hari. Ang tatlong haring Mago ay mga astrologo na napili ng Diyos na maunang pagpakitaan ng bagong panganak na Liwanag ng sangkatauhan. Sa Ebanghelyo ng Linggong ito, ipinahihiwatig ang magiging magkasalungat na pagkilos sa pagdating ni Hesus. Pagtanggi ang ibinabadya ng mga namumuno sa mga Hudyong matagal nang nag-aabang sa isang Mesiyas habang pagbibigay-puri at pagtanggap sa isang Hari ang iniaalay ng paganong mundo.

Christmas Season Menu Home


FEAST OF THE LORD'S BAPTISM (CYCLE B)

THEME: "BEING CHRIST-LIKE IS GOD'S DELIGHT"

     Today we celebrate the Lord's Baptism. Our Lord Jesus need not have submitted Himself to John the Baptist's baptism of repentance for He was sinless. But because of his humility and obedience to His Father's will, He willingly had Himself baptized. He was filled with the Holy Spirit as God revealed the truth that "Jesus indeed is His beloved Son in whom He is well pleased." Now we can stop wondering how we, too, can be most pleasing to God, how we, too, can be a delight to Him. Jesus came to be our model, who we can imitate. By being like Christ who humbly obeys His Father's will, even to suffer and die, we become Christ's look-alike, and thus, be also God's delight.

FIRST READING (ISAIAH 42: 1-4, 6-7)

     Isaiah foretells the coming of one who shall be filled with the Spirit of God; one who shall be the the light and life for all men and on whom God's delight shall rest. God shall proclaim to all who His beloved one is in whom He finds favor. These are all fulfilled and revealed in Christ's Baptism.

SECOND READING (ACTS OF THE APOSTLES 10: 34-38)

     Peter proclaims that the Father in Heaven, through Jesus, reconciles all men to Himself. Though Jesus was sinless, He submitted Himself to the baptism of repentance that John the Baptist preached as He was anointed by God with the coming down of the Holy Spirit. In accepting our own sinfulness , we, too, submit ourselves to the same baptism of repentance that Jesus received. We, too, receive the Spirit that empowers us to do what is good.

GOSPEL (MARK 1: 7-11)

     During the Baptism of Jesus by John the Baptist, Jesus was filled with the Spirit as God proclaimed how pleased He was with His beloved Son Jesus. It is in becoming like Jesus that we can also be worthy to be called children of God who can be a delight to Him as well.

Christmas Season Menu Home


KAPISTAHAN NG BINYAG NI KRISTO (SIKLO B)

TEMA: "KALUGUD-LUGOD SA PANGINOON ANG KATULAD NI KRISTO"

     Ngayo'y ipinagdiriwang natin ang Pagbibinyag kay Kristo. Hindi kinailangan ni Kristong sumailalim sa pagbibinyag ng pagsisisi na ginawad ni Juan Bautista dahil Siya'y walang bahid man lang ng kasalanan. Ngunit dahil sa Kanyang kababaang-loob at sa pagsunod sa kalooban ng Kanyang Ama, Siya'y kusang-loob na sumailalim rito. Siya'y napuno ng Banal na Espiritu at ipinahiwatig ng Diyos Ama kapagdaka ang katotohanang "Si Hesus ang Kanyang minamahal na Anak na siya Niyang kinalulugdan." Ngayo'y maaari na nating lubayan ang kaiisip kung paanong tayo rin ay magiging kalugud-lugod sa paningin ng Ama. Nariyan si Kristo na naging tao upang ating maging halimbawa at tuloy tularan. Kung atin Siyang gagayahin, ang Kanyang kababaang-loob at pagiging masunurin sa kalooban ng Ama at ang kahandaang magpakasakit hanggang kamatayan, tayo ay magiging kamukha ni Kristo, tayo rin ay kalulugdan ng Diyos Ama.

UNANG PAGBASA (ISAIAS 42: 1-4, 6-7)

     Pinahahayag ni Propeta Isaias ang pagdating ng isang nilalang na pupunuin ng Espiritu ng Panginoong Diyos, isang nilalang na siyang magiging liwanag at buhay para sa sanlibutan, na magiging kalugud-lugod sa Panginoong Diyos. Ipahahayag ng Panginoon na Siya ang Kanyang tinatangi, minamahal at kinalulugdan. Lahat ng ito'y magaganap sa sandali ng Pagbibinyag sa Kanya.

IKALAWANG PAGBASA (GAWA NG MGA APOSTOL 10: 34-38)

     Pinahahayag ni Pedro na inilalapit ng Diyos Ama ang Kanyang sarili sa sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesus. Kahit na walang kasalanan si Kristo, sumailalaim pa rin Siya sa binyag ng pagsisisi na siyang mensahe at tawag ni Juan Bautista. Siya'y pinagpala ng Panginoon at pinuno ng Banal na Espiritu Santo. Sa ating pagtanggap at pag-amin ng ating pagkamakasalanan, tayo rin ay nagpapasakop sa binyag ng pagsisisi na siya ring tinanggap ni Kristo. Tayo rin ay pupunuin ng Espiritu ng Diyos na siyang ating magiging lakas upang gumawa ng mga bagay na ayon sa kalooban ng Diyos.

EBANGHELIO (MARCOS 1: 7-11)

     Nang bininyagan ni Juan Bautista si Hesus, Siya'y napuno ng Banal na Espiritu at ipinahayag ng Diyos Ama na si Hesus nga ang Kanyang minamahal na Anak na siyang Kanyang kinalulugdan. Upang tayo'y maging karapat-dapat ding tawaging anak ng Diyos at tuloy kalugdan Niya, kailangan lang nating tularan si Kristo.

Christmas Season Menu Home


FEAST OF THE HOLY FAMILY (CYCLE C)

THEME: "LET US MAKE OUR FAMILY HOLY"

     The Feast of the Holy Family reminds us of the importance of the family as the foundation of society. Every Christian family is a little church, an instrument for all members to grow in love and service to the Lord. All of us belong to one family with God as our Father. Through the Holy Family, Jesus, our Savior, became part of the family of humankind. He made His family holy to show us its value.

     Like Jesus, may we always love, obey and honor our parents. Through Him, may we love and respect one another as brothers and sisters in the one family of God. Like Mary and Joseph, may we always love and respect our children.

     We, too, can make our family holy by allowing Jesus to be part of it.

FIRST READING (SIRACH 3: 2-6, 12-14)

     Sirach enjoins us to always give reverence to our parents. Those who honor and obey their fathers and mothers please the Lord; their sins are forgiven and they enjoy long life.

SECOND READING (COLOSSIANS 3: 12-21)

     Paul tells us, as members of God's family, to have virtues, show love above all, do everything in the name of Jesus, and thank God through Him.

GOSPEL (LUKE 2: 41-52)

     In this Gospel, the Holy Family is shown performing the ceremony of purification, as the Law of Moses commanded. Mary and Joseph were made aware that Jesus is the Savior of the world, thus, His mission also entails sacrifices for both of them.

     May we, like Mary and Joseph, offer our children to the Lord.

Christmas Season Menu Home


KAPISTAHAN NG SAGRADA FAMILIA (SIKLO K)

TEMA: "GAWIN NATING BANAL ANG ATING PAMILYA "

     Ipinapaalala sa atin ngayong Kapistahan ng Sagrada Familia ang kahalagahan ng mag-anak bilang haligi ng lipunan. Ang bawat pamilyang Kristiyano ay isang munting simbahan na ginagamit na instrumento upang sumibol sa bawat isang kasapi nito ang pagmamahalan at paglilingkod sa Panginoon. Lahat tayo ay kasama sa iisang pamilya ng Diyos Ama. Sa pamamagitan ng Sagrada Familia, naging bahagi ng sangkatauhan si Hesus na ating Tagapagligtas, at itinuro sa atin ang kahalagahan na mapabilang sa isang pamilya.

     Katulad ni Hesus, nawa'y lagi nating mahalin, sundin at igalang ang ating mga magulang. Sa pamamagitan Niya, sana'y magmahalan at magbigay-galang tayo sa isa't isa, sapagkat tayo ay magkakapatid na nabibilang sa iisang pamilya ng Diyos Ama.

     Katulad ni Maria at Jose, sana'y pakamahalin natin at bigyang-galang ang ating mga anak. Maaari nating pabanalin ang ating pamilya kung si Hesus ay bahagi nito.

UNANG PAGBASA (SIRAC 3: 2-6, 12-14)

     Hinihikayat ni Sirach na lagi tayong magbigay-galang sa ating mga magulang. Nagagalak ang Panginoon sa mga sumusunod at nagmamahal sa kanilang ama at ina, napapatawad ang mga kasalanan at nabibiyayaan ng mahabang buhay.

IKALAWANG PAGBASA (COLOSAS 3: 12-21)

     Ipinapahayag sa atin ni San Pablo Apostol, bilang bahagi ng pamilya ng Diyos, na isabuhay ang magagandang asal, magmahal sa kapwa, gawin ang lahat ng bagay sa ngalan ni Hesus at pasalamatan ang Diyos sa pamamagitan Niya.

EBANGHELIO (LUCAS 2: 41-52)

     Sa Mabuting Balita ngayon ay ipinapakita ang Sagrada Familia na isinasagawa ang seremonya ng paglilinis bilang pagsunod sa batas ni Moises. Ipinapakita rin sa atin na ipinaalam kina Maria at Jose na si Hesus ay ang Tagapagligtas ng buong mundo at kaakibat ng misyong ito ay sakripisyo nilang mag-asawa. Sana katulad ni Maria at Jose, ialay rin natin ang ating mga anak sa Panginoon.

Christmas Season Menu Home


EPIPHANY OF THE LORD (CYCLE C)

THEME: "REJOICE FOR THE LORD HAS COME!"

     God promised Israel to be His land to lead all nations. Even before Jesus' coming, Jerusalem had been proclaimed as a holy place full of splendor and blessings by God, where people from nations will converge.

     The birth of Jesus is the fulfillment of the promise. Even kings from afar searched and exalted upon seeing the star that rose to mark His birthplace. People from other nations gathered to pay respect to the new King.

     St. Paul also exhorted that people, Gentiles or Jews, regardless of race, should welcome others because God's blessings are for all.

     Today is the Epiphany of the Lord which is the celebration of the incarnation and manifestation of God. We proclaim that God's glory is made known to all. Let us open our hearts to God's kingship so that we become the new Jerusalem that shines for all to see.

FIRST READING (ISAIAH 60: 1-6)

      The Reading proclaims the splendor of Jerusalem and Israel was recognized as the light to all nations because it has been blessed by God.

SECOND READING (EPHESIANS 3: 2-3a, 5-6)

     Paul makes known the promise of Christ that all people should be one through the Gospel and this was revealed to him by the Lord Himself.

GOSPEL (MATTHEW 2: 1-12)

     The Gospel tells of the birth of Jesus, the King of Kings. Even the Magi from afar acknowledged His coming as they were in search of Jesus' birthplace marked by a rising star.

Christmas Season Menu Home


EPIFANIA NG PANGINOON (SIKLO K)

THEME: "TAYO'Y MAGALAK SA PAGDATING NG ATING PANGINOON!"

     Ang Diyos ay nangako na ang Israel ang Kanyang lupaing mamumuno sa lahat ng mga bansa. Bago pa man dumating si Hesus, ang Herusalem ay ipinahayag na banal na lugar na puno ng luwalhati at biyaya mula sa Diyos, at kung saan magkakatipon-tipon ang lahat ng mga tao mula sa iba't ibang mga lugar.

     Ang kapanganakan ni Hesus ang katuparan ng pangakong ito. Kahit na ang mga hari mula sa ibang mga kaharian ay nagpuri nang mamalas ang tala na nagbigay-ningning sa lugar ng kapanganakan ng ating Panginoon. Ang mga tao ay nagkaisa sa pagbibigay pitagan at panggalang sa bagong Hari.

     Nangaral din si San Pablo tungkol sa malugod na pagtanggap natin sa ating mga kapwa sa kabila ng pagkakaiba ng ating lahi, Hentil man o Hudyo, sapagkat ang biyaya ng Diyos ay para sa lahat.

     Ngayon ay Epifania ng ating Panginoon at ating ginugunita ang Kanyang pagkakatawang-tao. Ipinapahayag natin na ang kadakilaan ng Panginoon ay para sa lahat. Nawa'y buksan natin ang ating mga puso sa pagkahari ng ating Panginoon upang tayo ay maging bagong Herusalem na magniningning para sa lahat.

UNANG PAGBASA (ISAIAS 60: 1-6)

      Isinasaad sa Pagbasa ang luwalhati ng Herusalem at ang Israel ang kinilala upang magbigay-liwanag sa lahat ng mga bansa sapagkat ito ay pinagpala ng Panginoon.

IKALAWANG PAGBASA (EFESO 3: 2-3a, 5-6)

     Ipinamalita ni Pablo ang pangako ni Kristo na ang lahat ng tao ay dapat magkaisa sa pamamagitan ng Mabuting Balita at ito ay ipinahayag sa kanya mismo ng ating Panginoon.

EBANGHELIO (MATEO 2: 1-12)

     Ipinahahayag sa Ebanghelio ang kapanganakan ni Kristo, ang Dakilang Hari. Kahit na ang Tatlong Mago na nagbuhat pa sa malayong lupalop ay nagalak at nagbunyi sa pagkakahanap sa lugar ng Kanyang kapanganakan na pinangungunahan ng isang marikit na tala.

Christmas Season Menu Home