ANDRES BONIFACIO
Nagtatag ng Katipunan
(Founder of the Katipunan)
 
Andres Bonifacio was born to Santiago Bonifacio and Catalina de Castro, a Spanish mestiza in Tondo, Manila on November 30, 1863. 

He started his early eaducation in the school of Guillermo Osmenia of Cebu. He reached only primary school, at the age of 14 his father and mother died, forcing him to quit his studies and to look after his younger brothers and sisters. As a means of support, he had them help him make wood canes and paper fans, which he sold in the streets. 

Having leanrned how to read and write, he bacame a clerk messenger of  Fleeming and Company, a business firm dealing with rattan,  and other articles of trade. Because he was industrious, he was promoted as agent. But his earnings were still not sufficient to support his orphan brothers and sisters. He moved to Fressell and Company as agent. He showed such determination and industry in his job that made him hold it. 

He supplemented his low  education through reading and self study. Among the few books he read were Rizal's novels, the lives of  Presidents, Victor Hugo's Les Miserables, the ruins of Palmyra and French Revolution. Those books prodded his spirit of  rebellion to act and gave him impulse to organize the Katipunan. This organization spread rapidly in 1894, in many parts of the Philippines. He felt he was about ready to lead a successful revolt in May 1896. However, before he could act the Katipunan was discovered by the Spanish authorities. More than 1,000 Katipuneros assembled with him at Pugad Lawin, Caloocan, on August 23, 1896.  Since that time the Katipunan was discovered by the Spanish authorities to evade arrest to them. Bonifacio and his men ill-equipped, tired and hungry and with little aid faced their enemies and encountered uncertain victories and severe defeats. This prompted the Magdiwang faction to invite Bonifacio to Cavite to settle their differences and remain united. An assembly was called at Tejeros, Cavite. Bonifacio presided the conference, to establish the Republic of the Philippines.In the election, Aguinaldo was elected President; Mariano Trias, Vice President; and Bonifacio as Secretary. Bonifacio was offended  and evoking his authority as the Supreme head of the Katipunan, declared the proceedings void. Bonifacio moved to Naic, Cavite and started to form his own government and army. Meantime the advancing troops of the Spanish General Camilo de Polavia threatened to capture Cavite. Aguinaldo ordered Pio del Pilar and Noriel who were being given higher positions to leave Bonifacio camp and go back to their duties. 

Bonifacio with  his family  left Naic for Indang and on his return to Montalban, Aguinaldo sent men to arrest him but Bonifacio resisted arrest and was wounded. He faced trial for his acts inimical to the existence of the New government and was given the death sentence by a military tribunal. Aguinaldo's men executed him in the mountains of Maragondon, Cavite on May 10, 1897. 

Until today, Bonifacio is famous among Filipinos with his bravery and which is aptly described with these lines: 

"Andres Bonifacio Matapang na Tao..." which means 
"Andres Bonifacio, a brave man..." 
 
Watch the reenactment of  The Katipunan: 
1. streaming video 
2. download video 
 
 
 
 
 
 
 

Si Andres Bonifacio ay isinilang kila Santiago Bonifacio at Catalina de Castro, isang mestisang Kastila sa isang kubo sa Tondo, Manila noong ika-30 ng Nobiyembre, 1863. 

Inumpisahan niya ang kanyang unang pag-aaral sa paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu. Tinapos lang niya ang mababang paaralan, at sa gulang na 14 ang mga magulang niya ay namatay, na siyang pumilit sa kanyang ihinto ang kanyang pag-aaral at alagaan ang mga nakakabata niyang kapatid na babae at lalake. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan. 

Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. 
Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag  kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho. 

Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakauinting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo, Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Ang mga aklat na ito ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong  tagumpay at malubhang pagkatalo. 
Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan.Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain. 

Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic pauntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humrap siya sa 
isang paglitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguilanaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897. 

Hanggang ngayon  si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga  katagang ito: 

" Andres Bonifacio Matapang na Tao...." 

Panoorin ang pagsadula ng Katipunan: 
1. Umaagos na palabas 
2. Ikarga ang palabas