Make your own free website on Tripod.com

 

Home Up

Peptic Ulcer
Home Up Table of Contents

 

Home
My Operations 2005
My Operations 2004
My Report Card 2005
My Report Card 2004
My Researches
Clinical Practice Guidelines
My Self-Evaluation
My Post-training Reflection
My Curriculum Vitae
Medical Anecdotal Reports 2005
Medical Anecdotal Reports 2004
Social Responsibility Program
How I Do It?

Peptic Ulcer

 

It ay isang kundisyon kung saan ang sikmura o unang bahagi ng bituka ay nagagasgas dahil sa likido na inilalabas ng sikmura.  Ang sakit na ito ay tinatawag na PEPTIC ULCER.

 

Sintomas:

 

            Maaaring wala kang maramdamang sintomas kahit ikaw ay may ulcer, kadalasan ito ay may kaugnayan sa impatso o di pagkatunaw ng pagkain, sakit sa sikmura o sa ibabang bahagi ng dibdib.  Mas madalas itong sumakit bago o pagkatapos kumain at kadalasang nagiging sanhi ng pagkagising sa madaling araw.  Ang sakit ay maari din maramdaman sa likod o sa ibang parte ng katawan.

 

Mga posibleng dahilan ng pagkakaulcer

1.      namamanang sakit sa pamilya

2.      paninigarilyo ng labis

3.      malakas na pag-inom ng alak

4.      paginom ng aspirin o ibang gamot na pampatangal pamamaga

5.      mikrobyo na tinatawag na Helicobacter pylori

 

Komplikasyon mula sa sakit na Ulcer

1.      Pagkabutas ng bituka na kinakailangang operahan

2.      Pamamaga ng lamang tiyan

3.      Kanser

4.      Shock

 

Ayon sa pag-aaral ang naooperahan sa Peptic Ulcer sa Pilipinas ay umaabot sa 6.8 porsyento.  Ang dami ng kanser sa bituka sa Pilipinas kaugnay sa sakit na ulcer ay umaabot sa 7.1 porsyento.  Ang kanser na nagmumula sa pagkabutas ng bituka ay umaabot sa 18.5 porsyento. 

Sa Ospital ng Maynila, tinatayang 15 hanggang 20 katao kada taon ang naooperahan dahilan sa pagkabutas ng bituka.

 

Mga  maaaring paraan ng pag-iwas sa sakit na Ulcer

 

1.      Tigilan ang paninigarilyo

2.      Tumigil sa paginom, o bawasan ito

3.      Kumain ng konti pero madalas

4.      Iwasan ang anumang pagkain na nagiging sanhi ng pagkasakit ng sikmura

 

Sa mga karagdagang kaalaman o katanungan maaring po kayong magsadya o tumawag sa Ospital ng Maynila Medical Center na may numero 524-6061 local 103 or 300 at hanapin po lamang si Dr. Rick Mujer o sino man sa mga Surgical Resident sa Department of Surgery.

 

Home ] Up ]

Send mail to rsmujermd@yahoo.com  with questions or comments about this web site.
Copyright 2004 Department of Surgery Ospital ng Maynila Medical Center
Last modified: 11/09/05