Biblia ang sasagot
Tanong
Pwede po bang mag asawa, for the sake of companionship at di baleng hindi na mag-anak dahil sa hirap ng buhay?”

Sagot
Pwede naman, bakit ba ang hindi? Ang tao kasi, talagang humahanap ng makakasama, tulad nga ng asawa dahil nangangailangan ka ng tagalaba, tagaluto, tagalinis. Katulong ang dapat doon, hindi asawa. Maraming lalake porke nag-asawa ay umasang paglilingkuran sila ng babae tulad ng paglilingkod ng isang katulong o alila kaya (mas grabe) ‘yun. Tumpak na paglingkuran ng mag-asawa ang isat-isa pero hindi naman dapat umabot sa puntong para ngang katulong na ang magiging trato sa isa’t isa



Tanong
Bakit hindi niyo ginagawa yung communion tulad ng ginagawa ni HesuKristo? Sa kanyang mga apostol, na ginagawa ng mga katoliko

Sagot
Kasi po’y mas pinaniniwalaan namin ang communion with God” at laging present yan sa aming grupo. Pero yung ritwal ng Komunion, hindi po namin ginagawa sa isang Iglesia tulad ng Katoliko na masyadong literal. Sa mga katoliko at ibang mga grupo ng Protestante, mayroon silang literal host” na sinasabi yung bang “ostiya” na kanilang kinakain. May epekto ba yan sa kanilang buhay? Marami nga riyan, limanpung taon nang nagkokomunyon, pero wala naman kamalay malay sa Biblia ‘yung iba naman, kinakailangang pang gumamit ng ibang tao para mangumpisal, hindi na mangungumunyon dahil hindi raw sya malinis at dahil iyon ang konserbatibong pinaniniwalaan sa kanilang relihiyon. Mayroon din naman ipinagpapaliban ang pangungumunyon nila dahil hindi pa sila handa; yun pala’y binabalak na gumawa muna ng kasalanan.



Tanong
 Ano po ba ang ibig sabihin ng samahan charismatic?

Sagot
Ang salitang Charismatik ay galing sa Greek word na charisma. Kapag ipinaliliwanag ng mga Born-Again, ang ibig sabihin daw noon ay “gift of the Holy Spirit na ang pinaka batayan lang nila ay ang salitang Greek o Griyego. Sa ibang salitaan naman, pag sinabing napaka charismatic ng isang tao (omayroon siyang karisma), ang kahulugan ay may magandang personalidad, may mabuting kaugalian ang taong yun. ‘yung din humigit kumulang ang ipinapasok ng mga charismatic group sa kanilang mga kapanalig. Na lahat sila’y may karisma na galing sa kanilang mabubuting katangian.
  Ang tanong lang ay natutupad ba naman ‘yun, lalung-lalo na kung ang mandaraya ang mga pastor nila, ‘yung bang klase ng mga pastor na nag-uutos ng kung anu-anong kabalbalan, lalo na ang pagbibigay umano ng abuloy na kakaltasin sa perang pinaghirapan mo sa trabaho; at lalo na yung mga nag uutos sa kanilang mga miyembrong manghingi ng limos (hindi kontribusyon) sa mga sasakyan, sa mga kalye, sa bahay-bahay. Ang habol pala nila ay ang karisma ng pera; pero wala pala silang kamalay malay (dahil isinarado nila ang kanilang isip) na pampataba ng bulsa ng kanilang mga pinuno ang kanilang ipinanglilimos.


Tanong
bakit ayaw po ninyong tumanggap ng kontribusyong pera pag hindi kaanid ng inyong samahan?

Sagot
Totoo po iyon sa simula pa lamang ay sinasabi na namin sa mga bisita. Ayaw po kasi naming mang-abala ng amin mga kapuwa. Marami nga po ang nagtataka, pero wala naman pong dapat na ipagtaka. Hindi naman po kasi namin itinuturing na hanap buhay ang relihiyon. Lalo pong bawal na bawal ang pagbibigay ng kontribusyon ng mga kaanib na nagsisipagtrabaho at may porsiyento pang dapatibigay – tulad ng ginagawa ng ibang mga grupo. Totoo rin pong nangangailangan ang atin Iglesia ng mga pantulong sa atin gawain, pero hindi po namin inoobliga ang mga kaanib na magbigay. Basta kung ano laman ang ikaluluwag ng kanilang bulsa. Kahit ngapo wala ay okey naman.kaya ngapo marami tayong utang at nadedemanda pa tayo kapag hindi tayo agad nakakatupad sa pag bayad. Hindi po natin ipinagmamalaki na madalas po tayong mag abono sa mga gastos para sa atin Iglesia. At hindi rin po natin ipinagmamalaking kahit paano’y nagagamit natin ang sarili kong negosyo sa mga pangangailangan pinansiyal ng ating grupo.



Tanong
Matatawag po bang pamilya ang isang mag-asawang walang anak?

Sagot
Ang tunay na pamilya ay binubuo ng mag-asawa at mga anak nila. Pero pamilya parin po ang dalawang taong ikinasal na nagsasama kahit walang silang anak, kahit dadalawa sila sa mundong ito. Halimbawa nga, nagkaanak ang isang mag-asawa, pero sa kasamaan palad ay namatay ang kanilang anak. Pamilya parin ang maitatawag sa kanila. Kahit sila namatayan, hindi magbabago ang tinawag na essence ng pagiging pamilya


Tanong
Kung ang Dios po ay nagtatakwil ng tao, pwede rin kayang magtakwil ang magulang ng sariling anak na suwail?

Sagot
Sinasabi sa Biblia, ang anak na suwail, sa Israel, ay pinapatay ng mga Israelita; binabato hanggang mamatay. Ito’y sa panahon ni Moises. Binabato ng matatanda ang masasamang anak hanggang sa mamatay.
  Pero pag dating sa panahon ni Kristo ay wala ng ganoon; walang sinasabing isa man talata sa Biblia na nag utos ang Panginoong HesuKristo na batuhin ang masasama. Ang nasa Biblia lang, ang masasamang anak ay itinitiwalag sa Iglesia. Pero baka naman hindi nakakaintindi ang mga magulang kung ano talaga ang ibig sabihin ng suwail; o bakit ba sila naging suwail. Baka naman hindi nakakaintindi ang mga anak ng aral ng Diyos. Baka naman ang mga magulang ang may dipirensya dahil kulang sila sa pagtuturo ng aral kaya nalihis ng landas ang mga anak. Mas tama pa nga ang anak ay nagtakwil ng magulang. Pero ang magulang? Sila ang nagtitiis habangbuhay.