FISTULA-IN-ANO

 

            Ang anal fistula ay ang abnormal na koneksyon sa pagitan ng dulong bahagi ng malaking bituka, na tinatawag na anal canal, at ng balat sa paligid ng butas nito. Ito ay kadalasang sanhi ng impeksyon sa isa sa mga glands na nakahimlay sa loob ng tumbong. Ang mga bacteria na normal na nakatira sa mga glands na ito ay dumadami at nagkakaroon ng koleksyon ng nana na kumakain sa laman sa paligid ng tumbong at ang koleksyon na ito ay maaaring pumutok ng kusa o mangangailangan ng operasyon. Kapag ang daan na nagawa ng nana mula sa loob ng tumbang papunta sa labas ay hindi maghilom ito ang tinatawag na fistula. Ang iba pang sanhi ng fistula ay ang mga sumusunod: cancer, trauma at and tinatawag na Crohn’s disease.

 

Ang isang nilalalang na may fistula ay makakaranas ng pananakit ng tumbong, magdurugo, pagbabahid ng nana o dugo sa panloob at ang paulit ulit na impeksyon.

Ang kadalasang solusyon sa fistula ay operasyon. Ang operayon ay nakasalalay sa lokasyon at complikasyon ng fistula. Ito ay ang ”fistulotomy” at ”fistulectomy”. Ang ”fistulotomy” ay ang operasyon na kung saan ang daan na nabuo ng nana ay binubuksan at kinakayod. Ito ay iiwanang bukas at hahayaang kusang maghilom. Ang ”fistulectomy” naman ay ang operasyon na ang buong daan ay tinatanggal. Ang dalawang operasyon ay halos walang pinagkaiba sa larangan ng ”recurrence” o ”morbidity”.

 

Sa Ospital ng Maynila Medical Center, itinatayang may 21 na katao na may ganitong karamadaman ang naoperahan sa Ospital ng Maynila Medical Center sa loob ng siyam na buwan. Kung ikaw ay may ganitong mga simtomas o ikaw ay may katanungan, maaari kang tumawag sa numerong 5246061 loc 101/300 at hanapin si Dr. Maria Cecilia T. Leyson, M.D.