||| A R T I C L E S |||


ROMANSANG CLAUDINE-RICO:
WILL THEIR LOVE SURVIVE LIFE'S GREATEST TEST?


CLAUDINE BARRETTO, isa sa mga hinahangaang young actresses ng ating panahon. Bagama’t hindi naging maganda ang kanyang imahe sa tingin ng kanyang mga kritiko, hindi ito nagpaapekto at nagpatuloy pa nga sa kanyang trabaho. Ayon kay Claudine, magsasawa rin ang mga pumupuna sa kanya.

“Lagi ko ngang sinasabi, sa trabahong ito mahirap talagang i-please lahat ng tao. Hindi ko na lang sila pinapansin. Pinagbubuti ko na lang ang trabaho ko.”

Huling ginawa ni Claudine ang pelikulang ‘Anak’ with Mayor Vilma Santos na talaga namang tumabo sa takilya, bukod pa sa rami ng awards na nahakot nito. Ngayon, Claudine is currently filming ‘Ni Sa Langaw, Di Kita Padadapuan’ under Star Cinema at FLT Films kung saan makakapareha niya si Robin Padilla.

“Excited ako sa movie na ito. I hope suportahan din ng mga tao ‘yung team-up namin ni Robin dito.”

Balitang binabantayan daw siya ng nobyong si Rico Yan sa shooting ng nasabing pélikula dahil daw sa takot na siya naman ang pormahan ni Robin?

“Hindi totoo ‘yan. Hindi naman niya kailangang gawin ‘yon. Wala namang ligawan na nangyayari dahil alam naman m Robin na may boyfriend ako. Hindi rin naman gano’n kakitid ‘yung utak ni Rico. I consider Robin as a family friend. Friend na siya ni Marjorie (Barretto) noon pa."

Ano naman ang masasabi niya sa leading man niya?

“I’m sure everybody will agree with me, he’s a very gentleman person. Kaya hindi ko ma-
blame ‘yung iba na nai-in love sa kanya. Napaka-sweet niyang tao at napakabait.”

Mataas pa rin ang rating ng kanyang soap operang ‘Saan Ka Man Naroroon’, pero ang feedback ng iba ay hindi na raw maganda ang medyo kabagalan ng istorya. How true na matatapos na rin ito sa Pebrero?

“Kani-kanyang opinyon lang ‘yam. ‘Yung iba naman, nagsasabi na they enjoy watching it and they can’t miss a day ma hindi mapanood ‘yon. Naniniwala akong marami pa rin ang sumusuporta kasi mataas ang rating namin.

“I think matatapos na kami on February. Dapat nga last year pa pero na-extend pa kami for another year.”

Sa nasabing soap opera, mahirap at madugo ang ginagampanan niya bilang Rosenda, Rosemarie at Rosario. Wala na ba siyang sama ng loob na nararamdaman sa PMPC dahil sa kabila ng hirap ng kanyang role ay mas binigyan ng pansin ang pagganap ni Gladys Reyes na suporting lamang ang role?

“Nasabi ko na, we are all entitled to our opinions. Honestly, I'm happy for Gladys. Sister ko ‘yung taong ‘yon. Mahal na mahal ko ‘yon. I’m happy for her. Nirerespeto ko kung among desisyon nila. Kani-kanyang choice lang naman ‘yan."

So far, among pakiramdam niya sa tinatakbo ng kanyang career?

“Masaya naman ako. Hindi ako pinababayaan ng ABS at ng Talent Center. So far, they’re giving me good projects kaya masaya ako sa career ko.”

Kumusta naman sila m Rico? Since nauuso ang pagpapakasal, wala pa ba silang plano?

“Malayo pa sa isip namin ‘yon. We still have a lot of things to do. Ako sa career ko, si Rico, sa business niya. Sino ba naman ang hindi gustong makasal someday? But I believe kasi na pinag-iisipang mabuti ‘yan at pinaghahandaan. Hindi maiiwasang minsan nababanggit pero hanggang do’n lang muna.

“I’m happy na going strong naman ang relationship namin. Nakilala na namin ang isa’t isa kaya madali na kaming makapag-adjust. I’m lucky kasi Rico is a very undertanding person."

At sa huling tanong about Mark Anthony Fernandez at sa lumabas na anak 

“Ayoko na siyang pag-usapan. Wala na kaming kinalaman sa isa’t-isa." 

Source: SUPER TEEN Magazine, 11/21/00 by MILDRED BACUD

 


 05 March 2001 - relaunch