CLAUDINE-RICO:
SERIOUS 'ST' SWEETHEARTS
MALAPIT masyado si Rico Yan kay Marvin Agustin dahil silang dalawa ang halos magkasabay na binigyan ng break ng ABS-CBN Talent Center para maging sikat na aktor ng makabagong panahon. Halos kabi-kabila ang kanilang mga TV exposure at maging sa movies ay talagang hindi sila nawawalan ng assignments. Pero may balot ng hiwaga at pagdududa sa ibang mga malisyosong kaisipan ang pagiging malapit nilang magkaibigan ng huli.
Bukod sa kinukuwestiyon ang kanilang mga kasarian ay idinagdag pa ang intrigang nahuli raw
silang dalawa ni Marvin sa CR (comfort room) ng ABS-CBN Studio hanggang breaktime daw nila sa taping.
Naglaro pa ang isip ng mga malisyoso’t malisyosang tao na ano raw ba ang ginagawa nilang
dalawa sa CR kundi tanging bading lang at lalake ang gumagawa?
“Talaga?” bungad sa amin ni Rico nu’ng Linggo ng gabing ‘yon sa pictorial nila ng ABS-CBN Talents as Studio 1. “Siguro naman, sa tagal ko na rito sa showbiz at sa rami na ng mga
nakakakilala sa akin, eh, alam na nila kung ano ang aking kasarian,” natatawang sabi pa ng aktor.
“Alam nila kung ano talaga ang tunay kong gender, ‘di ba? So, shcwld I answer that question pa ba?” sagot-patanong pa ni Rico sa amin. “For as long as nasa panig ko ‘yung katotohanan, okey lang. Kung may mga tao ba talagang gustong gumawa ng isyung makakasira ng pagkatao ng kanilang kapwa, eh, ‘di sige lang. Nasa showbiz tayo, ‘di ba? Gano’n talaga ang
mundo na ito. So, I’m not affected sa gano’ng klaseng intriga. Lab na’t kilala ko naman
ang sariLi ko,” aniya pa.
Sanay na kumbaga si Rico sa mga intriga ng showbiz. Pero hindi maiiwasang kung minsan
ay nasasaktan pa rin siya sa mga nababasa’t nakakarating sa kanyang mahing tsismis.
“We’re just human. Sometimes, talaga, hindi maiiwasang masaktan ka sa mga intriga sa
‘yo. But for me, whatever intrigues na dumarating sa akin, kahit masakit, tinatawanan ko na lang. Because my conscience is clear. And I take it as a challenge. So, dito sa showbiz, talagang sanay na sanay na ako sa intriga ng iba. Kaya wala akong dapat na ipag-alala,” say pa rin ng guwapong aktor na si Rico.
Maski na ang business partner niyang si Congressman na si Miguel Zubiri ay hindi ligtas sa
intriga. Dahil maski na ang pagkalalake nito’y pinagdududahan ng mga intrigero’t intrigera ng
showbiz.
“Well, I’ve known Miguel for a long time. Sigurado ako na lalake siya. Despite other people
had been saying na gano’n nga. Despite sa mga sinasabi nla at mga istoryang iniimbento nila, eh, hindi pa rim ako puwedeng maniwala sa
kanila.
“Lalake talaga ‘you. Eversince na bata pa ako, kilala ko ma ‘yam. Kasi nga, childhood friend ko ‘yon. Parang big brother ko ‘yon, eh. ‘Pag may mga nanboloko nga sa akin nu’ng bata pa ako, talagang ako, eh, tumatakbo at si Miguel ang nambubuntal sa mga nang-aasar sa akin. So, lalake talaga ‘yun, eh. Kaya wala... hindi totoo ‘yung mga sinasabi nilang ‘yon,” paulit-ulit na depensa ni Rico sa kaibigan.
Nagkataon lang daw siguro na hindi maiwasang madawit sa mga intriga ng showbiz itong si Miguel nga komo naging syota ito noon ng singer-actress na si Vina Morales.
“Siyempre, nasa showbiz ang girlfriend ni Miguel. Natural lang na pati siya ay maintriga ng iba. But I can personally attest to it na hindi kailangang pagdudahan ang gender ng big-brother friend kong iyon,” tuloy-tuboy pa ring sabi ng guwapong aktor sa aming tsikahan.
Nilinaw rim ni Rico na kahit may bestfriend siyang politician ay never na papasukin niya ang
mundo ng puhitika dahul mas magiging kumphikado ang buhay niya.
“Kahit na ‘yung pag-aatempt na pumasok as politics ay never kong inisip,” mabilis na sagot pa niya sa amin bago nagpatuloy ng kanyang pahayag. “Mahirap do’n. I’m happy and ontented na rito sa buhay ko ngayon sa showbiz. Huwag na siguro sa politics. Mas magulo ro’n. At saka puwede naman siguro akong makatubong sa mga tao na hindi na kailangang pasukin ko pa ang mundong iyon,” dagdag pa niyang sabi.
Madalas daw silang lumalabas nina Marvin at Dominic Ochoa kung gabi sa
pagba-bar hopping kung saan nami-mik-ap sila ng mga babaing pagpaparausan
nila ng kanilang init.
‘Well, during “Gimik” days pa lang, talagang ‘pag may time kami nina Marvin at Dominic ay lumalabas kami kung gabi. Nagkakayayaan sa isang bar. Pero, sa pag-pick-up ng babae, hindi kami ni Marvin ‘yon. Si Dominic pa. Ha! Ha! Ha!” natatawang biro pa ni Rico.
“No, I’m just kidding. Alam n’yo, like what I’ve always said, I don't... I do not believe in paying for sex,” diretsong sabi pa ni Rico bago itinuloy ang kanyang pagsasalita. “Kasi, for me, ‘yung gano’n, because I think that, it is the sign of the lowest level of men. You’re not man enough to get sex not the normal way and you have to pay for it, ‘di ba?
“Parang a..... hindi ‘yun pruweba ng pagiging isang tunay ma lalake. Kundi pruweba ‘yon ng pagiging isang hayop o hayok sa laman,” diretsong sabi pa ni Rico.
Ayaw kasi ng aktor ‘yun bang lalaking nambababoy ng mga babae halo na’t ang angkan o lahi nga namang kinabibilangan niya’y Filipino makilala sa pagiging konserbatibo, ‘ika nga.
“Kasi, bilang lalake, kung talagang ano... if I want to get sex with somebody, didiskarte
ako ng babae. Pero kung sobrang baba ang tingin ko sa aking sarili at hindi ko kayang
dumiskarte ng babae at hindi talaga ako makakuha ng sex, siguro that’t the time na
magbabayad na lang ako. That’s the lowest type of men. At ‘yung mga gano’ng klase ng
lalake ay hindi nirerespeto. And that is my principle, kaya bakit ako mami-mick-up ng
babae, ‘di ba?" dagdag pa niyang tsika.
Tungkol naman sa tambalan nila ni Janice de Belen sa soap operang “Saan Ka Man Naroroon” via ABS-CBN Channel 2 ma hindi pa alam kung kailan matatapos at nagsala-salabat na ang istorya nu'n. May mga nagsasabing hindi sila bagay ni Janice.
“Well, ‘yun ang nasa istorya mismo. So, bahala na ang direktor namin na siya ring scriptwriter
nu'n. Sa team-up naman namin ni Janice, talaga namang kailangan sa istorya ng “Saan Ka Man...” ‘yun, eh. Malaki talaga ang agwat ng edad namin na nagka-in-love-an. For as long as mas gumaganda pa ang istorya nu’n, eh, masaya ma kaming lahat,” hirit pa ni Rico sa aming panayam.
Kumusta ma sila ml Claudine? Seryoso na nga ba sila sa kanilang relasyon? Sila nga ang tinaguriang ‘Serious Super Teen Sweethearts”?
“Really, okey lang. Ako naman kasi, basta mahal ko ang babae, siniseryso ko same with
Claudine, kung mahal niya ang lalake, she’ll give all-out support,” pagtatapos niya.
Source: Super Teen Magazine,
12/31/00 by OGIE IGNACIO