||| A R T I C L E S |||


RICO-CLAUDINE
TAPATAN


KUMALAT ang balitang may plano na si Rico Yan na pakasalan ang girlfriend niyang si Claudine Barretto. Sa mga naglalabasang balita, may date pa kung kelan siia ikakasal - July 6, July 16, so forth and so on...

What’s the truth about it talaga. Let’s find out nga...

STM: Kelan ba talaga kayo magpapakasal ni Ciaudine?
Rico: Alam mo, we don’t talk about it pa talaga. Nagulat nga ako nu’ng may nag-congratulate sa akin dahil ikakasal na ako. No definite plans about the wedding...wala pa talaga.

STM: Ano ha’ng reason at ayaw n’yo pang magpakasal?
Rico: We’re both too young. Ang dami pa niyang pangarap. Hindi pa kami handa pareho.

STM: Kelan kayo magiging handa’?
Rico: Siguro ‘pag okey na ‘yung business ko, ‘pag emotionally ready na kami at siguradung-sigurado na kami sa isa’t isa.

STM: Bakit, hindi ka pa ha sigurado sa kanya?
Rico: Hindi naman sa gano’n. Kaya lang, hindi pa talaga kami parehong ready.

STM: Mahal mo ba si Claudine?
Rico: Ano ba namang tanong ‘yan? Siyempre naman! I love her so much and she knows that!

STM: Eh, mahal ka ba naman ni Claudine?
Rico: Kailangan pa rin bang itanong yan? We’ve been through a lot of things, ang dami na naming pinagdaanan and we managed to succeed and I think, love ang dahilan no’n.

STM: Seloso ka ba?
Rico: Sometimes. Pero bihirang-bihira lang ‘yon. I trust her a lot naman, eh. For me, there’s nothing to worry about.

STM: Sino na sa mga na-link kay Claudine ang pinagselosan mo?
Rico: So far, wala pa naman. Nu’ng time lang na medyo bumabalik-balik sa kanya ‘yung ex
(Mark Anthony Fernandez), do’n lang ako parang nag-worry.

STM: Bakit, wala ka bang tiwala sa girlfriend mo?
Rico: Meron, kaya lang, wala akong tiwala ro’n sa taong hindi ko kilala. Pero after that incident (Club Filipino encounter), okey na ang lahat. Hindi na rin siya nangulit.

STM: Mas mahal mo ha si Claudine kesa sa mga naging past girlfriends mo?
Rico: Para namang ang dami kong naging past GFs...Well, I consider her (Claudine) my everything. She’s everything to me. Gano’n ko siya kamahal. Of course, minahal ko rin ‘yung iba before, but let’s not talk about them now, hindi maganda, eh. Unfair para kay Claudine.

STM: Let’s talk about your business - ang Orbitz Pearl Shake. Kumusta naman ito?
Rico: I’ts doing fine. We’re growing. We have more than 20 branches na all over Manila and we’re still adding some more.

STM: Is this some kind of a preparation para sa future niyong dalawa ni Claudine?
RICO: Yes it is. I really work hard for my future... for the future of my family.

STM: May joint account na ba kayo ni Claudine?
Rico: Wala pa naman. ‘Yung kinikita ko, akin lang ‘yon. ‘Yung kinikita ni Claudine, ginagamit naman niya sa mga investment niya.

STM: Wala ba kayong balak magkaroon ng joint account?
Rico: Siguro in time, pero hindi pa ngayon. Maybe before we get married.

STM: Tumitingin ka pa ha sa ibang girls ngayon?
Rico: Depende sa klase ng tingin. Natural lang naman na magka-crush pa rin ako ngayon. Pero yung manligaw ng iba, I’m not going to that. Sure ako ro’ n.

STM: Nagkakausap pa ba kayo ni Judy Ann Santos?
Rico: Bakit naman biglang do'n napunta ang usapan natin?

STM: Kasi, ‘di ba crush mo rin siya before at meron kayong pinagsamahan?
Rico: Hindi na kami nagkakausap ngayon. We’re both busy. Walang time, but we’re okey naman. How is she na ba?

STM: Iimbitahan mo ba siya sa wedding n’yo ni Claudine if ever?
Rico: Bakit naman hindi? She’s a friend at gusto kong makita ng friends ko how happy I am on my wedding day.

Try to read our
conversation with Claudine Barretto-- ang GF ni Rico and know more about their relationship.

Source: Super Teen Magazine, 07/30/00 by LEO BUKAS

 


 05 March 2001 - relaunch