SI
MARIA, NENA, GABRIELA atbp Sinulat ni Fe Capellan Arriola Nilathala ng
|
Nagbubukas at nagsasara ang aklat na ito sa dalawang kuwentong bayan -- and alamat ng unang mga tao at ang alamat ng mga bituin. Sa buod, and aklat ay kuwentong kasaysayan ng ating bayan para sa kababaihan. Kalakip ang mga talambuhay ng piling mga bayaning babae sa bawat yugto ng kasaysayan. At as huli ay may paglalatag ng mga mithiin, kahilingan at pangarap na ang katuparan ay angkin nating karapatan. Paala-alang di tayo dapat padaig sa kahirapan, kamangmangan o kawalang pag-asa upang ariin ang karapatan. Ang pagbabago tungo sa isang makatarungan at malayang kinabukasan ay dapat ipaglaban. Ang aklat na ito ay isinulat para sa lahat, babae at lalaki. Pero ito ay sadyang nilathala para sa mga kasapi ng GABRIELA at sa mga babaeng tulad nila na nagsisikap palawakin at palalimin ang kaalaman. Mandin palayain ang diwa at pang-unawa. Para sa kanila ang anim na hiwalay na sanaysay (BIRHENG-INA, PANTAY ANG LABAN, atbp.), mga panimulang pagsusuri sa ilang isyu ng peminismong Pilipino. Inaasahang ang mga ito ay mag-aanyaya ng dagdag na talakayan tungo sa paglilinaw at pagpapalalim ng mga isyung napakahalaga sa ating buhay-babae at buhay-Pilipino. |
||||||||||||||||||||||
|